Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NABUHAYAN ng pag-asa ang maraming fans ni Kris Aquino nang makita ang isang video post ng TV host-actress na mukhang malusog ngayon sa gitna ng pakikipaglaban niya sa mga sakit na autoimmune diseases.
Sa TikTok na ibinandera ni San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag, mapapanood na nagkaroon ng simpleng salo-salo para sa 17th birthday celebration ng bunsong anak ni Kris na si Bimby.
Makikita rin sa video si Kris na nakangiti at ipinapakita ang suot niyang sweater na ang nakalagay ay, “You deserve to be happy.”
Naikuwento rin ni Kris kung paano niya nakilala at naging kaibigan ang alkalde ng Pampanga.
“We’re very, very happy with our friend. Ten months ago, nakilala namin si Mayor Vilma,” sabi ni Kris.
Sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa dahil ayon sa kanila ay mukhang gumagaling na si Kris.
Narito ang ilan sa mga comments.
“Parang much better na siya tignan now; feel ko gagaling na siya.”
“It looks like Ms. Kris is recovering. Praying na magtuloy tuloy na paggaling niya.”
“Unti-unti na nagiging OK si Miss Kris.”
“Sana tuluyan nang gumaling si Ms. Kris [folded hands emojis]”
“She’s getting better. Wishing you all well [happy face with hearts emoji]”
Magugunita noong April 19, naging emosyonal si Kris sa ibinanderang birthday message para kay Bimby.
Inamin niya na hindi siya tumigil sa kakaiyak dahil naiisip niyang hindi na niya maaabutan ang 18th birthday ni Bimby dahil sa lumalala umano niyang kalusugan.
“I’m sorry for showing weakness yesterday when I cried nonstop because of my fear that I may not be around to be with you on your 18th birthday,” sey niya sa bahagi ng Instagram post.
“No matter how much physical pain I endure daily, my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional love.”
***
SA guesting ni Julia Barretto sa vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga, nausisa ng huli ang una tungkol sa pagkikita at pagbabati nila ni Bea Alonzo sa surprise birthday party ng star builder na si Johnny Manahan o Mr. M noong March 16, 2024.
Ayon kay Julia, kapayapaan sa puso ang kanyang naramdaman nang mangyari ang pinakahihintay niyang pagbabati nila ni Bea.
Sabi niya: “The world is healing. For me, yes [the world is really healing when that happened].
“Siyempre, I’m gonna personally speak for myself because I never wanna speak for anybody else.
“It’s a moment that, of course, bina-value ko.
“That’s why as much as possible, siyempre ang daming nag-a-ask sa akin, and I don’t want to go into details so much because I don’t want other people would feel like it was some ingenuine moment.
“Siyempre it’s a really real moment, di ba?”
Malaking tulong at epekto raw kay Julia ang pagkakasundo nila ni Bea makalipas ang maraming taon nilang hindi pagpapansinan.
“Maybe to fully close it para, alam mo na, the people in the past, you were able to close that with them.
“Hoping that it also give them peace,” aniya pa.