Advertisers

Advertisers

7 preso sa PDEA-9 nakapuga

0 17

Advertisers

TUMAKAS ang pitong may mga kasong droga na nakakulong sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Upper Calarian, Zamboanga City, Lunes ng madaling araw, May 13, 2024.

Kinilala ang 7 preso na sina Wilson Indanan Sahiban ng Indanan, Sulu; Junjimar Hajili Aiyob, 29, ng Upper Patibulan, Panamao, Sulu; Jimmy Angeles Sahibol, 30, ng Tamion, Brgy. Vitali, Zamboanga City; Kerwin Mohammad Abdilla, 41, ng Caragasan, Maasin, Zamboanga City; Albadir Mala Ajijul, 28, ng Isabela City, Basilan; Muhajiran Romeo Jumlah, 27, ng Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City; at Amil Khan Mahadali Abubasar, 26, ng Phase 2, Brgy. Tulungatung, Zamboanga City.

Tatlo sa mga nakatakas na preso, sina Sahiban, Aiyob at Sahibol ang kabilang sa mga naaresto nang makuhanan ng P146.2 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation ng PDEA noong Mayo 3, 2024.



Sa report, 2:45 ng madaling araw nang matuklasan ng mga duty officer ang pagtakas ng mga preso sa detention facility ng PDEA Region 9 sa Upper Calarian, Zamboanga City.

Sa isinagawang inspeksyun sa kulungan, nakita ng mga operatiba ang isang maliit na butas sa kisame na pinaniniwalaan dinaan ng mga tumakas na mga preso.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">