Advertisers

Advertisers

Grade 12 lumaklak ng pesticide sa puntod ng ina

0 23

Advertisers

NATAGPUANG wala buhay ang isang grade 12 estudent na nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide sa puntod ng kanyang ina nitong Mothers day sa Dalaguete, Cebu.

Ang biktima, 24 anyos, at nakatakdang magtapos ng “senior high school” ng Barangay Montolongon, Dalaguete.

Sa report, 9;30 ng umaga nang matagpuan ang labi ng biktima sa tabi ng puntod ng yumaong ina sa Mantolongon Cemetery sa Dalaguete.



Nabatid na maagang umalis ng bahay ang biktima upang magsimba, pagkatapos ay dumalaw sa puntod ng ina sa araw ng Mothers day.

Narekober ng mga otoridad ang isang pesticide katabi ng bangkay ng biktima, na posibleng ginamit nito sa pagpapatiwakal.



Isang suicide note ang nakuha ng mga otoridad para sa ama ng biktima na nagsasaad na wala ito problema kundi pagod nalang siya.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakikita ng pulisya na wala namang foul play sa pagkamatay ng biktima.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">