Advertisers

Advertisers

Sekyu bulagta sa nakaalitang hepe

0 18

Advertisers

BULAGTA ang isang security guard nang barilin ng kanilang hepe dahil sa matagal nang alitan sa Batangas City nitong Sabado.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center ang biktimang si Rheo Angelo Plata mula sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan.

Ayon sa report ng Batangas City Police station, nangyari ang insidente 5:20 ng hapon habang magkasabay na naka-duty ang biktima at ang salarin na si alyas Tirso, chief security officer, sa isang Liquefied Natural Gas (LNG) import terminal sa Barangay Ilijan.

Nagkasagutan umano ang dalawa dahil sa isyu sa pagturn-over sa kanilang duty na humantong sa pagsusuntukan ng mga ito.

Sa kasagsagan ng pag-aaway, binunot ni Tirso ang kanyang service firearm caliber 9mm Norinco pistol at dalawang beses ipinutok kay Plata.

Isinugod ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

Kusang loob na sumuko sa pulisya ang salarin dala ang kanyang baril.

Inihahanda na ang kasong ‘homicide’ laban dito.