Advertisers
INIULAT ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo na ang Aparri, Cagayan ay nakaranas ng heat index 49°C.
Ang heat index na ito ay lumampas sa forecast ng PAGASA na 46°C sa ulat nito noong Mayo 11.
Samantala, sinabi ng PAGASA na naramdaman naman ang heat index na 47°C sa Roxas City, Capiz at 46°C sa Laoag City, Ilocos Norte at Dagupan City, Pangasinan.
Sinundan ito ng heat index na 45°C sa Tuguegarao City, Cagayan; Iloilo City, Iloilo at Guiuan, Eastern Samar.