Advertisers

Advertisers

PWD, 8 pa todas sa NPA

0 6

Advertisers

INAMIN ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sunod-sunod na pagpatay sa probinsya ng Negros Occidental na umabot na sa siyam kabilang ang Person with Disability (PWD) sa loob ng isang buwan.

Noong Mayo 9, 2024, pinagbabaril-patay ang 37-anyos na bulag habang naglalakad papunta sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa Barangay Puso, La Castellana.

Ayon kay Police Major Sherwin Fernandez, hepe ng La Castellana Police, bago ang krimen nakita ng kapitbahay ang tatlong armadong kalalakihan sa labas ng bahay ng biktima.



Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng mga basyo ng 5.56mm at .45 na armas na posibleng ginamit ng mga salarin.

Inamin ng Leonardo Panaligan Command ng NPA Central Negros Guerrilla Front na pinatay nila ang biktima dahil nanggahasa ito ng menor-de-edad taon 2012 subali’t walang rekord sa pulisya.



Sa talaan ng Negros Occidental-PNP, Abril 11, 2024, pinaslang si Danny Boy Bartolome, ng Sitio Paho, Brgy. Camandag, La Castellana; Alexander Alquizar, barangay tanod ng Proper Lagaan, Calatrava-April 20, 2024; Myrna Bilando, ng Sitio Duga-anon, Barangay Oringao, Kabankalan-April 21, 2024; Jun Habagat, ng Sitio Cagay, Barangay Camindangan, Sipalay City-April 24, 2024; Albert Golez, ng Sitio Cuyaoyao, Barangay Inolingan, Moises Padilla-April 24, 2024; Ritoy Pedro, ng Sitio Kamanggahan, Barangay Amontay, Binalbagan-April 28, 2024; Reynaldo Jacolbe, kagawad ng Barangay Puso, La Castellana,-May 1, 2024; at Donie Baculi, chief tanod ng Sitio Bactolon, Barangay Camindangan, Sipalay City-May 3, 2024.

Sa kabila ng pag-amin ng NPA sa pagpatay sa mga biktima, patuloy parin ang gagawing imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">