Advertisers

Advertisers

P3.4m droga nasamsam sa magdyowa sa Montalban

0 21

Advertisers

ARESTADO sa milyong halaga ng droga sa anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad ang magkasintagang tulak sa Montalban, Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Hadji Gaffar Abdul, 44-anyos, high value indibidwal; at Ara Panundi Tindos, 36-anyos, kapwa nakatira sa IBP-Litex-1, Quezon City.

Narekober ng magkasanib na pwersa ng PNP-Drug Enforcement Unit, Special Operation Unit-4A at Rodriguez PNP ang droga na nasa 500 gramo at nagkakahalaga ng P3,400,000.00.
28-libong peso bundle ng boodle money na tag Isang libong peso, buybust money at isang eco bag na nilagyan ng droga.

Dakong 12:45 ng hapon nitong Martes ng masakote ang 2 suspek sa isang town center sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose sa Montalban Rizal.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Fredieliz John Cabral, nanguna sa operasyon armado sila ng body worn camera at alternative recording device para tiyakin na hindi malalabag ng grupo ang karapatan ng 2 suspek.

Hawak na ng PNP -DEG, Special Operation Unit-4A ang 2 arestadong suspek at kumpiskadong ebidensya para sa dokumentasyon.

Habang kinasuhan na ang mga ito ng paglabag sa RA9165 section-5, article-ll o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Edwin Moreno)