Advertisers

Advertisers

Cash aid para sa mga buntis, nagpapasuso nilinaw ng DSWD

0 21

Advertisers

NILINAW ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian nitóng Huwebes na hanggang sa unang 1,000 araw lamang ang ibibigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga buntis, nagpapasuso, at may dalawáng taong gulang na anak.

Ayon kay Gatchalian, layunin ng bagóng insentibo na mahikayat ang mga buntís at nagpapasuso na samantalahín din ang mga serbisyong pangkalusugan, at nang sa ganoóng paraan matugunán ang problema sa malnutrisyón at hindi pagtangkad ng mga batâ.

Inatasan daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. and DSWD na palawakin pa ang pagtulong sa mga buntís at nagpapasuso, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan, base na rin sa kaniláng rekomendasyón.



Klinaro rin ni Gatchalian na ang ayuda ay pansamantalá at hanggáng sa unang 1,000 araw lamang o halos tatlóng taón.

Inatasan na ni Marcos ang DSWD na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, partikular na sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA), para mas mapagbuti ang pagpapatupád ng bagong programa sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">