Advertisers

Advertisers

Vilma at mga anak na sina Luis at Ryan Christian pawang tatakbo sa posisyon sa eleksyon

0 16

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

NAKIPAG-meeting na ang Star for all Seasons Vilma Santos-Recto sa producer ng Mentorque na si Bryan Dy kasama ang magkasintahang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Siyempre, for a possible movie project ito na gagawin ni Ate Vi. Sa nakarating sa amin isa itong magandang project na first time na gagampanan ni Ate Vi.



Gustung gusto ni Ate Vi ang project pero pinag-iisipan pa rin ng multi- awarded actress dahil tatlong movie offers pa ang sabay sabay na inaalok sa kanya ngayon ng tatlong bigating producers, huh!

After the success ng “When I Met You In Tokyo,” inulan ng offers si Ate Vi.



Siyempre, knowing Ate Vi, pinag aAralan at binubusisi niya muna ang mga inaalok sa kanya bago niya ito tanggapin.

Pero sure naman daw na may gagawing isang project si Ate Vi, ang magiging problema nga lang ay ang posibleng pagsabak niya muli sa pulitika, huh!



Yes, malakas ang ugong na tatakbo muli bilang gobernador ng Batangas ang Star for All Seasons.

Matandaang si Ate Vi ang first woman governor ng Batangas mula 2007 hanggang 2015.

Sure na mananalo si Ate Vi dahil yun ang hiling sa kanya ng mga Batangueño na paglingkuran muli ang probinsiya dahil napabayaan na naman daw ito mula nang matapos ang termino niya, huh!

May mga umugong na may tatakbong gobernador pero nang malaman nilang tatakbo si Ate Vi ay isa isa na raw nag atrasan, huh!

May posibilidad din na papasukin ng nga anak ni Ate Vi ang pulitika dahil na rin sa hiling ng mga taga- Batangas.

Si Ryan Christian ay sure in na raw bilang pamalit sa iniwang posisyon ni Sec. Ralph Recto sa Congress at si Luis Manzano naman ang  tatakbong Vice Governor ng Batangas, huh!

Last 2022 elections ay kinukulit ng magkakalabang partido na tumakbong senador pero parehong tinanggihan ni Ate Vi.

Ngayon naman ay mga lumalapit na maimpluwensiyang politician for her to run sa Senate, huh!

***

“BADUDONG “ ang tawag ngayon ng aktor na si Albie Casiño sa anak niya, huh!

Last April 7 ay lumipad pa-abroad si Albie at kinita ang kanyang mag ina  sa San Francisco International airport, huh!

Si Michelina Marie Dunton ang ina ng anak ni Albie, huh! 31 years old na si Albie kaya ganun na lang ang tuwa niya na sa makasana ang anak niyang si Roman Andrew.

“A great mab told me ‘being a dad has no days off and retirement.’ I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew, the world is yours, little man,”  post pa ni Albie.