Advertisers

Advertisers

Resulta ng ebalwasyon kay Vilma para maging National Artist, inaabangan

0 18

Advertisers

Ni Favatinni San

NAKAHABOL ang grupo ni Dingdong Dantes, League of Filipino Actors of the Philippines para isumite ang nominasyon ng kanyang ninang Vilma Santos para maging Pambansang alagad ng sining sa kategoryang Broadcasts and Arts.

Wala namang problema sa ginawang aksiyon ng mister ni Marian Rivera. E, pagkatapos mag file sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts) opis ay may press conference sa Manila Hotel. Bongga si Dantes. Todo effort ang inaanak as in nag-iingay, may press/media, tv coverages at vloggers. Ang pagpapasiya naman ay nasa NCCA screening committee, kapag ayos may deliberasyon pa, may botohan pa. Tatagal ang proseso sa mga kuwalipikado para sa pinal na mapipili at may gaganap na botohan. Kaya ang living National Artist gaya ni Kidlat Tahimik, Ricky Lee at Nora Aunor ay kasali sa botohan.



Kung sino ang lumabas sa botohan ay isasabmit sa pangulo ng Cultural Center of the Philippines. Saka dadalhin ng CCP President sa Malacañang para pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos. Pwedeng hindi niya pirmahan, pwedeng magbawas pero di pwede magdagdag. Kaya sa June 2025 malalaman kung sInu-sino ang hihiranging mga Pambansang Alagad ng Sining.

Kaya tayo nag post sa FB tungkol sa ginawa ni Dingdong, marami ang nagreak, sa totoo lang na-bash siya nang todo. Maging sa ating show na “HOLA CHIKA” nuong Biyernes, 9pm, daming nagbigay ng kuru-kuro.



May nagsabing ginawa na yan ni dating Manila Mayor Isko Moreno at kanyang City Council para inomina si Vilma sa National Artist. Sa totoo lang, sa criteria pa lang ay di pumasa ang body of works, recognition sa national and international awards.

Kumento ng isang viewer natin, “dapat may award munà siya sa NCCA na Ani Ng Dangal” at CCP awards. Well, ayaw natin pangunahan ang NCCA…hintayin natin ang resulta ng kanilang ebawalsyon, deliberasyon at pinal na botohan.



Basta alam ko, babalik si Vilma sa pulitika sa lalawigan ng Batangas.

***
LITO LAPID, SOBRANG YAMAN
SA kainitan ng isyung pogo, napanood natin ang coverage ni Bernadette Sembrano at nakita natin kung gaano kalawak ang lupain ni Senator Lito Lapid. Kung sabagay, sumikat siyang artista at pulitiko. Nababahiran lang tuloy ng intriga dahil sa Porac. Well, bahala siya mag imbestiga.