Advertisers

Advertisers

Paglalagay ng patong sa ulo kay Alice Guo, magiging malaking tulong – PNP

0 26

Advertisers

MAS magiging madali ang paghahanap sa suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo kung magkakaroon ito ng patong sa ulo.

Pahayag ito ni Philippine National Police PIO Chief PCol. Jean Fajardo kung saka sakaling mag-alok ng reward money sa sinumang nakaaalam nang kinaroroonan nito.

Sa ngayon, wala pang patong sa ulo si Guo kung kaya’t puspusan ang ginagawang paghahanap dito ng mga awtoridad.



Aminado si Fajardo na malaking hamon ang paghahanap sa suspendidong alkalde lalo na’t marami itong resources.

Una nang binalaan ni Sen. Jinggoy Estrada ang PNP na maaaring maapektuhan ang kanilang 2025 budget kung hindi mahahanap at maaaresto si Guo sa loob ng isang buwan.



Kung kaya’t umaapela ito sa publiko na makipagtulungan sa pulisya kung may nalalamang impormasyon hinggil kay Alice Guo at tiniyak nitong poproteksyunan sila ng Pambansang Pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">