Advertisers
SINAGOT ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang tweet ni Atty. Barry Gutierrez kungsaan binanggit ng una na hindi kinailangan ni ex-Vice President Leni Robredo ng security personnel na kasingdami ng kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Roque, na nahaharap sa maraming isyu ng katiwalian sa mga iligal na POGO, malaki ang pagkakaiba ng sitwasyon ng dalawa. “Dekorasyon lang” lang aniya si Robredo, hindi tulad kay VP Sara na anak ng dating Pangulo at mayroon raw mga banta mula sa drug lords at sa CPP-NPA.
Pero matatandaan na nakatanggap noon si Robredo ng pagbabanta mula mismo sa ama ni Sara na si dating Pagulo Rodrigo Duterte dahil sa paglaban ng dating Bise Presidente sa karapatang pantao.
Sa isang pagpupulong sa pananalasa ng bagyong Ulysses, sinisi ni Duterte (Rody) si Robredo sa nag-trending noon na “#NasaanAngPangulo”, at binantaang ‘wawaswasan’ si Leni kapag sinimulan na nito ang kampanya sa pagkapangulo.
“Marami ako sasabihin sa ‘yo (ex-VP Robredo). When you start your campaign, waswasan kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte (Nob. 18, 2022).
Binawasan din noon si Robredo ng security personnel, ginawang 83, kumpara kay VP Sara ngayon na mayroong 350 security escorts kahit binawasan pa ng 75 police security na mas marami pa raw sa security ni Pangulong “Bongbong” Marcos.