Advertisers
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na pagandahin ang kalagayan at kumpetisyon sa hanay ng mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa bansa sa pamamagitan ng digitalisasyon at paggamit ng teknolohiya.
Sa isang news forum na inorganisa ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni DTI Acting Secretary Cristina Aldeguer-Roque na ang marching order sa kanila ni PBBM ay i-angat ang kita ng MSMEs sa tulong ng digitalisasyon bilang paraan upang umunlad ang mga maliliit na negosyo.
Binigyang-diin ni Aldeguer-Roque na mahalagang gamitin ang digital platform upang gawing competitive ang MSMEs lalo na’t ang Pilipinas aniya ay may malaking populasyon na nasa 115 milyon kaya’t magiging malaking merkado ito para sa mga produkto ng mga ito.
At upang pondohan ang operasyon ng MSMEs, sinabi pa ng opisyal na nag-aalok ang gobyerno ng madaling pautang na may mababang interes. (Gilbert Perdez)