Advertisers

Advertisers

PBBM NAGLABAS NG EO UKOL SA TAAS-SAHOD NG GOV’T WORKERS

0 23

Advertisers

NAGLABAS ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may kinalaman sa dagdag-sahod ng mga kawani ng pamahalaan.

Batay sa Executive Order (EO) No. 64 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang kautusan ay magkakabisa sa sandaling mailathala na sa Official Gazette o sa pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.

Nakasaad sa EO ang updated na pasahod sa mga government workers na nakatalaga sa executive, legislative, at judicial branches; constitutional commissions at iba pang constitutional offices.



Maging ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng GOCC Governance Act ay kabilang sa mga makatatanggap ng taas-sahod, gayundin ang mga nasa lokal na pamahalaan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">