Advertisers

Advertisers

Nagbenta ng painted bags… HEART NAG-DONATE NG P1.5M SA SSFI

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

NALULA ang netizens sa malaking donasyon ni Heart Evangelista sa SSFI.

Tumataginting na P1,500,000.00 ang iniambag ng misis ni Senate President Chiz Escudero na ngayon ay head ng Senate Spouses Foundation Inc. na si Heart.



“Head of Senate Spouses and Global Fashion Icon Heart Evangelista recently sold one of her beautiful hand-painted bags and generously donated the proceeds to the SSFI and the foundation’s future projects. Here she is with Ms. Kat Pimentel and Ms. Nancy dela Rosa of SSFI who received her donation,” mababasa sa caption.

Sa comment section ng kanyang IG account, tinawag nilang, “a true philanthropist ang Kapuso aktres.” “What a beautiful soul.”



“A real definition of a philanthropist and has a genuine heart.”

“So proud of what you’ve become, Heart! Thank you for your generosity.”



“First, she helped the victims of the typhoon, then visited the sheltered animals now she donated 1.5M from the auction of her painted bags.”

May nagtatanong tuloy kung tatakbo raw ba sa darating na eleksyon ang aktres?

Well, yan po ang aming aabangan!

***

EB WALANG
BONGGANG
SELEBRASYON SA
IKA-45 ANIBERSARYO
NAG-selebreyt na ng 45th anniversary ang longest running noontime show na Eat Bulaga kamakailan.

Nagtatanong ang netizens kung bakit wala silang magarbong selebrasyon.

Nagpaliwanag naman ang TVJ hosts. kung bakit hindi sila sa big venue nag-celebrate.

Ayon sa Tito, Vic at Joey, mas ninais umano nilang paghandaan ang kanilang 50th anniversary. Matatandaang ang Eat Bulaga ay longest running noontime show sa buong mundo.

Ayon kay Vic Sotto, minabuti nilang ilaan sa mas napapanahon at mas mahalagang bagay ang sana’y bonggang selebrasyon.

“May tatlong dahilan… Una na riyan dahil sa hamon ng panahon, mas mahalaga na magpadala tayo ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.”

“Isa pang dahilan, karapat-dapat sigurong magtulungan tayo upang ibangon ang kabuhayan ng mga pamilya na gustong makaahon araw-araw.”

“Ang dear Eat Bulaga po ay maghihintay sa mga liham niyo, sulat, tungkol sa mga pangkabuhayan at mga negosyo po na gusto niyong simulan, ibangon o palaguin.”

At inihayag nila ang pagbabalik ng EBest kung saan kumukuha sila ng deserving na maging scholar.

“Ang budget para sa isang big show ay gagamitin nalang para pantaguyod ng pangarap ng pamilya at kabataan. Sa 45th anniversary, muli nating sismulan ang college scholarship para sa 30 college students.”

Sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal hosts ng naturang programa.

Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Marami ang nagtaka at nagulat nang mamaalam ang TVJ sa TAPE Inc., ang nagpapalakad ng EB dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa demandahan.

Sinalo ng TV5 ang noontime show at

July 1 nang nakaraang taon ay muli silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Natapos na ang delubyong dumating sa EB at nabalik na sa TVJ ang pangalan ng programa na Eat Bulaga.

Kamakailan naman ay may bagong kontrobersya sa Eat Bulaga na nagsasabing magtatapos na umano ito dahil sa pagkalugi.

Agad naman itong pinabulaanan ng TVJ at naglabas ng kani-kanilang saloobin sa programa.

Ganyan katibay at katatag ang EB, ang nag-iisang noontime show sa buong mundo na tumagal mahigit apat ng dekada at ilang taon na lang ay tutungtong na sila sa limang dekada.

Ibig nilang ang 50th anniversary ng programa ay tumatak sa puso ng mga manonood saan mang sulok ng mundo.

Sa darating na araw na yun doon nila lahat ibubuhos ang pagpapasaya ng mga tao sa buong mundo.