Advertisers

Advertisers

PH at Germany nangako ng defense security cooperation

0 18

Advertisers

NANGAKO ang Pilipinas at Germany na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan para sa mas malawak na kaayusan sa defense security cooperation bago matapos ang taon.

Sa isang courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang nitong Lunes, sinabi ng German Federal Minister of Defense na si Boris Pistorius na nagkaroon siya ng “splendid” meeting kasama ang kanyang counterpart, Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Ang dalawang nangungunang opisyal ng depensa ay nagpulong noong Linggo at nangakong pasiglahin ang relasyon sa depensa ng Pilipinas-Germany.



Inihayag pa ni Pistorious na nagpadala na sila ng draft hinggil sa nasabing defense security pact.

Binigyang-diin din ng top German official na suportado nila ang Pilipinas sa pagpapatupad sa rules-based international order partikular sa bahagi ng West Philippine Sea.



Dagdag pa ng German defense chief mahalaga na magkaroon ng peace and stability sa rehiyon na siyang maging daan upang lumago ang economic activities.

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Marcos ang Germany sa suporta at paggalang nito sa internasyonal na batas. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">