Advertisers

Advertisers

Pinsala ng oil spill sa mga katubigang sakop ng Cavite aabot na sa P1B

0 16

Advertisers

PUMALO na sa 25,145 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa nagpapatuloy na pagtagas ng langis mula sa lumubog na Terranova tanker sa Manila Bay.

Bagama’t lumubog ang naturang tanker sa katubigang sakop ng Bataan, umabot na ang tumagas na langis sa karagatan ng Calabarzon Region kung saan ang Cavite ang nagtala ng pinakamalaking epekto.

Batay sa report ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na ito sa isang bilyong piso.



Sa kasalukuyan, ilang mga katubigan na ng Cavite ang idineklara bilang no-catch zone para sa mga isda ang mga shellfish.

Ang naturang probinsya ay isinailalim na rin sa state of calamity.



Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagsagawa na ito ng sample testing sa mga nahuhuling isda sa naturang probinsya at hinihintay ang resulta ng naturang pag-aaral.

Samantala, na-contain na ang Philippine Coast Guard (PCG) ang oil sheen o rainbow-like thin layer ng langis na lumulutang sa katubigan dulot ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Terranova sa may Limay, Bataan.



Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gavan, na-contain na ito sa ikalimang araw mula ng lumubog ang motor tanker na naglalaman ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel nang mangyari ang insidente.