Advertisers

Advertisers

Melai sinipa si AiAi bilang Comedy Queen

0 25

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAG-uusapan ng netizens ang bagong tag kay Melai Cantiveros bilang Asia’s Comedy Queen.

Hirit ng mga nagmamahadera, sa bagong taguri, tila niligwak daw ni Melai si AiAi delas Alas sa trono nito.



Bagama’t natutuwa siya sa bansag sa kanya, inamin naman ni Melai na marami pa siyang butas na pagdadaanan para makamit ang nasabing titulo kumpara kina AiAi delas Alas, Pokwang at Eugene Domingo.

Game raw siya na gawin ang remake ng ïconic na “Ang Tanging Ina” pero mas preferred daw niya na gumawa ng trademark sa isang bagong acting vehicle.



Gayunpaman, consistent naman ang mind-conditioning ng mga taong malapit sa kanya tulad nina Regine Velasquez, Martin Nievera at iba pa sa pagtawag sa kanya sa bagong titulo.

Kung may natutuwa man, meron din namang nagtataas ng kilay sa bagong moniker kay Melai.



Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Ba’t Asia’s Comedy Queen? Wala pa siyang pelikulang super hit tulad ng mga nagawa ni Ai Ai like Tanging Ina series.”

“May international movie na siya na ginawa sa Korea pero flopey.”

“Laotian deep na si Ai Ai. “

“Ai Ai is out. Melai is in.”

“Para sa akin, di pa naaabot ni Melai ang level bilang box office comedienne nina Ai Ai at Uge.”

“Bagong title iyan, ha. Pang-Asia na ba si Melai? Ano po iyong Asian credits ni Melai?”

***

Miggy di takot
ma-typecast sa BL
NAGING usap-usapan noon ang BL angle nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa isang serye.

Katunayan, nagkaroon ng following ang kanilang loveteam bilang TimPoch.

Sa kaso naman ni Miggy, hindi na bago sa aktor na mai-cast siya sa mga LGBTQA+ projects.

Nagkaroon na siya noon ng partisipasyon sa Gameboys:The Movie.

Naging palaban din siya sa hubaran sa gender-bending film na “Two and One.”

Bukod pa riyan, napansin din ang kanyang pagganap sa Cinemalaya movie na “Ang Duyan Ng Magiting” kung saan nanalo ang cast ng best ensemble in acting.

Sa isang panayam naman, sinabi ni Miggy na di siya takot na makahon sa LGBTQA+ roles lalo na’t ang lakas ng arrive niya sa federacion ng pink sisters.

“Basically I am not looking into any gender [roles]. Basically it’s the character. Kahit anong anggulo pa yan, wala namang mali diyan,” aniya.

“So i-portray mo na lang sa isip ng tao kung paano nila titingnan. So with me, as I said earlier, it is still a character so I think there’s nothing wrong with it,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, di rin daw siya takot mapagdudahan dahil secure naman siya sa kanyang sexuality.

Si Miggy ay bahagi ng seryeng “High Street” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.