Advertisers

Advertisers

2-anyos batang lalaki naligo sa kumukulong sabaw, nasawi

0 20

Advertisers

Binawian ng buhay ang 2-anyos na lalaki nang aksidente itong pumasok sa loob ng kalderong may kumukulong sabaw ng batchoy sa Brgy. Pantalan, Carles, Iloilo noong Huwebes August 8, 2024.

Sa report, nagtamo ng 4th degree burn ang bata.

Sa imbestigasyon ng Carles PNP, hindi umano namalayan ng ina na napunta malapit sa malaking kaldero na may pinapakuluang sabaw ng batchoy ang kanyang anak at aksidente na pumasok sa kaldero.

Naglalaro umano ang bata bago napasok sa kaldero.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima nang malapnos ang halos buong katawan dahil sa kumukulong sabaw.

Makalipas ang ilang araw namatay ang paslit habang nakaratay sa ospital.