Advertisers

Advertisers

MOMMY IBINUBUGAW ANG BUNSO SA ‘ONLINE KALASWAAN’, IPINAHULI NG KUYA

0 62

Advertisers

HINDI na masikmura ng kuya ang ginagawa ng kaniyang ina na kinakalakal sa ‘online kalaswaan’ ang bunso niyang kapatid na babae, nagpasya na itong magsumbong sa pulisya.

Sa ulat, naaresto sa Malabon ang 45-anyos na ginang sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad.

Nasagip ang anak niyang babae na 9-anyos na ginagamit umano ng ina sa online kalaswaan na pinagsasayaw ng walang saplot sa online live show.



Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Police Captain Santiago Roy, agad silang nagkasa ng operasyon nang matanggap nila ang impormasyon mula sa nakatatandang kapatid ng biktima.

“[Na]engage nga namin itong suspek, nagpanggap kaming foreigner. Ang mga parokyano niya mga foreigner din eh… Hiningan kami ng paunang bayad, initial payment of P1,000 kapalit ng pictures ng minor na yun,” ayon kay Roy.



Kinalaunan, aniya, humingi ang ginang ng P10,000 kapalit ng mga video ng biktima.

Nadakip ang ginang sa isang hotel room sa Malabon kungsaan nito pinapagawa ng kahalayan ng kaniyang anak.



“Ini-induce [niya ang victim] na mag-perform ng illicit activities, like mag -modelling ng naka-nude. Itong bata, pinangakuan nuong una, magmo-modelling lang… Papakita lang sa mga foreigner at parokyano na naka-swimsuit. Pero kalaunan, pinapaghubad na siya,” sabi ni Roy.

“Ito’y inamin naman niya. Ginawa niya ang isang bagay na yun at pinagsisisihan na niya. Gusto raw niyang makatapos sa pag-aaral ang anak niya,” dagdag pa ng opisyal.

Mahaharap ang ginang sa reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.