Advertisers

Advertisers

Double-standard police ops… MULTI-MILLION ‘PAIHI’ SA LUCENA AT CARMONA UNSTOPPABLE!

0 1,660

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

BINATIKOS ng Anti-crime and Vice Crusaders ang anila’y hindi pantay na pagpapatupad ng batas lalo na sa kampanya laban sa sindikatong sangkot sa smuggling at paihi operations na front din ng kalakalan ng droga sa hurisdik-syon nina Quezon Provincial Governor Angelina “Helen” Tan at Mayor Mark Don Victor Alcala.

Ito ay matapos na ipasara ang kuta ng isang “Amigo” na dummy ng big-time smuggler at paihi king Violago ay ‘di naman tininag ng Lucena City Police ang dalawa pang paihian na pina-patakbo ng dalawang karibal na criminal group.



Ayon pa sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), kung seryoso si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. na ma-tuldukan ang operasyon ng mga ilegal sa bansa lalo na ang smuggling, paihi at kalakalan ng droga, dapat gumawa ang pangulo ng hakbang na magdadala ng takot sa mga tiwaling opisyales ng kanyang pamunuan, lalo na ng ilang kapulisan na bumabaluktot sa itinatadhana ng batas.

Sa pahayag ng MKKB sa Police Files Tonite, mariing kinondena ng mga ito ang nakapagdududang aksyon ng mga tauhan ni Lucena City Police Chief, LtColonel Dennis De Guzman, na naatasang lansagin ang paihi/buriki operation nina alyas Amigo sa kahabaan ng Ecotourism Road, Brgy. Ibabang Talim; Bong sa Brgy. Isabang, at Troy sa Brgy. Salinas.



Sa halip na ipatigil lahat ang operasyon ng naturang burikian ay tanging ang kuta ni Amigo ang ipinasara ng mga operatiba ni De Guzman.

Nakita ng ilang residente may ilang araw pa lamang ang nakararaan na kinausap ng mga naka-sibilyan at unipormadong pulis ang buriki operator na si “Bong” na may kuta sa gawing likuran ng RoadSide In, sa Brgy. Isabang. Matapos ang halos ay may isang oras na pag-uusap ay nagtatawanan pa na sumakay sa kanilang mga behikulo, kabilang ang isang mobile car, ang mga pulis.



Ang naturang mga pulis din ang namataan sa kuta ni alyas Troy bandang tanghali ng August 18, 2024 sa isang malawak na taniman ng palay sa Brgy. Salinas. May isang oras ding nag-usap ang naturang mga alagad ng batas sa nababakurang kuta ng ilegalista, at pagkatapos ay masasaya ding umalis ang mga ito sa naturang paihian/ burikian.

Sina Bong at Troy ay hindi lamang nagpapatulo ng petroleum products kundi maging ng milyones na halaga na C.N.O. edible cooking oil na kargamento ng mga capsule truck mula sa maraming oil mill sa Lucena City, Bicol Region at Metro Manila.

Ang dalawa ay dating mga tauhan ng isang alyas “Goto” na kabilang sa mga lider ng Bulacan at Bataan based Violago Group, ngunit kumalas sa tanikala ng sindikato may dalawang taon na ang nakaraan at nagtayo ng kani-kanilang grupo. Nagkuta ang mga ito sa mga barangay ng Isabang at Salinas na nasasakupan nina Mayor Alcala at LtCol. De Guzman.

Dahil sa umiinit na opinyon-publiko, mga banat ng mga mamamahayag at concerned citizens, iniutos ni Mayor Alcala kay LtCol. De Guzman na aga-rang patigilin, arestuhin at kasuhan sina Amigo, Bong at Troy at ipagiba ang mga nababakurang kuta ng mga ito.

Ngunit sa halip ay kinausap lamang ng mga naatasang pulis sina Bong at Troy, at matapos ang masayang usapan ay pinabayaan lamang na ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang operasyon na pagnanakaw ng oil at petroleum products.

Pinabayaan naman ng mga pulis si Amigo na baklasin ang mga yerong nagsisilbing bakod sa burikiang kinapitalan ng sindikatong Violago at hindi na ito kinasuhan.

Hinala ng mga opisyales at miyembro ng MKKB, may mahika na nangyari sa pagitan ng mga pulis at sa ilegalistang sina Bong, Troy at Amigo, kaya marapat na uriratin nina Gov. Tan, PNP PD Col. Monte, Mayor Alcala si LtCol. De Guzman at ang mga tauhan nito.

Ayon pa sa MKKB, maaring sampahan ng kasong Dereliction of Duty sina LtCol. De Guzman at ang mga operatiba nito kung hindi tama, maayos at naaayon sa batas ang kanilang ginagawa?

Hindi pa maipalansag nina Gov. Tan at Col. Monte ang mga kuta ng sindikatong Violago na pinapatakbo ni Amigo sa bayan ng Pagbilao at sa Brgy. San Luis, Guinyangan na pinamamahalaan nina Sammy at Alfred.

Bukod sa Lucena City; Brgy. Bancal, Carmona City na pina-patakbo nina Amang at Violago Group; at Batangas City Pier, Brgy. Sta Clara na ino-operate ng isang PNP Colonel at “Sgt. Buloy” ay may higit pang 20 kuta ng paihian ang pinamumunuan nina Goto, Bogs at Cholo sa Bataan, Bulacan at iba pang panig sa Region 3, Metro Manila at ibang bahagi ng CALABARZON, ayon din sa MKKB.