Advertisers

Advertisers

P2.5m reward, sa 4 sangkot sa P30m robbery sa Bulacan

0 92

Advertisers

Nag-alok ng P2.5 milyon reward upang mapadali ang pagdakip sa apat pa na mga kawatan na sangkot sa kaso ng pagtangay umano sa P30M sa bayan ng Balagtas, Bulacan.

Matatandaang Agosto 28 2024, alas-10:35 ng umaga ng magpanggap na hihingi ng tulong ang mga suspek kabilang ang tatlong aktibong pulis kasama ang isang Police Major sa Saint Francis Subdivision, Brgy. Borol 2nd sa nabangit na bayan.

Sa report na tinanggap ni OIC PNO Director PCol. Satur L Ediong,pinasok ng mga kawatan ang tahanan ng negosyanteng si Emerson Magbitang bago nagdeklara ng hold-up.



Nabatid na tinanggay ng mga pulis na sina PMajor Armando Reyes, Pssg Anthony Ancheta at PEMsg Ronnie Galion ang 6 na assorted cellphones, mga imported na lady bags, at lady’s watch, isang Lenovo laptop, at pera.

Matapos ito’y mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng sasakyan na Avanza at kuyal Gray Toyota Altis na may plakang NBY 4420.



Na agad rin namang nadakip, ng mga pulis, subali’t bigong maaresto ang apat na iba pa na armado rin ng baril.

Samantala maaring matawagan ang mga telepono ng Balagtas Police na 09985985373 Bocaue PNP 09985985376 at Guiguinto Police na may kontak number 09985985381.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">