Advertisers

Advertisers

2 Wanted ng NPD timbog sa Caloocan

0 17

Advertisers

Kulong ang dalawang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa nang malambat sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jade Doles, bumuo ng team ang pinagsanib na mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SIS) nang manhunt operation laban sa 21-anyos na akusado na nasa Top 8 Most Wanted Person ng (NPD).

Alas-2:00 ng hapon nang masakote ng mga tauhan WSS at SIS ang akusado sa Pama Sawata III, Barangay 28, Dagat-dagatan.



Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng FC Branch 1, Caloocan City noong July 8, 2024, para sa kasong Statutory Rape par. (1) (d) art. 266-A of the RPC as amended by R.A. 8353.

Alas-4:00 ng hapon nang makorner naman ng mga tauhan ng WSS at SIS sa joint manhunt operation sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 5, ang 25-anyos na akusado na residente ng Pangasinan at nasa Top 7 MWP ng NPD.



Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City noong April 2, 2024, para sa kasong Rape (RPC Art. 266-A) at Lascivious Conduct under sec. 5 (b) of R.A 7610.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">