Advertisers

Advertisers

Utang ng Pilipinas lumobo sa P15.69T

0 19

Advertisers

LUMOBO ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Hulyo 2024 batay datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr) nitong Martes.

Nakita na ang total outstanding debt ng bansa ay nasa P15.689 trilyon, o mas mataas ng 1.3% mula sa P15.483 trilyon sa katapusan ng Hunyo 2024.
Ang P206.49 bilyon na month-on-month growth sa debt stock ng bansa ay “primarily driven by the net issuance of both domestic and external debt.”

Sa datos ng BTr, Nakita na ang year-to-date fiscal deficit ng national government ay nasa P642.8 bilyon sa pagtatapos ng July 2024, o mas mataas ng 7.21% year-on-year.



Malaking bahagi ng sovereign debt o nasa 68.54% ay nakuha ‘locally’ habang ang nalalabing 31.46% ay ‘sourced externally.’

Ang domestic debt ng pamahalaan ay nasa P10.753 trilyon sa nasabing panahon, o mas mataas ng 1.7% mula sa P10.573 bilyon sa katapusan ng Hunyo.



Kumpara sa end-December 2023 level, ang domestic debt ng bansa ay lumago ng 7.3% o P735.22 bilyon.

Samantala, ang foreign debt ng pamahalaan ay umabot sa P4.936 trilyon sa katapusan ng Hulyo 2024 o tumaas ng 0.5% o P26.45 bilyon na mas mataas sa month-on-month.



Sa pagsisimula pa lamang ng taon, ang external debt ng Pilipinas ay tumaas ng P338.50 bilyon o 7.4% mula sa end-December 2023 level nito na P4.598 trilyon.