Advertisers

Advertisers

Knights tinadyakan ang Chiefs

0 20

Advertisers

PINAMUNUAN ni Pao Javillonar ang Colegio de San Juan de Letran 86-79 wagi laban sa winless Arellano University Chiefs at umiskor ng back-to-back wins sa NCAA Season 100 Seniors Basketball Tournament Martes sa Filoil EcoOil Centre.

Matapos isilbi ang two-game suspension dahil sa paglaro sa Converge sa 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament, Javillonar, na 19th pick ng 2024 PBA Rookie Draft, ay gumawa ng impresibong performance, umiskor ng career -high 28 points sa mahusay na 68.8 percent shooting mula sa field.

Ang senior bruiser ay humatak rin ng eight rebounds, upang tulungan ang Letran na pagandahin ang kanilang standings sa 2-1 win-loss-rekord.



Jimboy Estrada at Jace Miller nag-ambag ng 14 at 11 points.ayon sa pagkakasunod, para sa Letran.

Puntirya ng Letran ang kanilang third victory laban sa Mapua Cardinals sa Biyernes, Setyembre 20,alas 2:30 ng hapon sa parehong venue.



Sa panig ng Arellano, Pinamunuan ni Maverick Vinoya sa iniskor na 16 points,four rebounds, three assists, at two steals habang si Cyrel Hernal at Lorenz Capulong nag-ambag ng tig-11 points.

Ang Chiefs ay nanateling winless matapos ang three games at susunod na makakaharap ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa parehong petsa at venue alas 12 ng tanghali.



Ang Iskor:

Letran 86 – Javillonar 28, Estrada 14, Miller 11, Cuajao 6, Go 6, Monje 5, Dimaano 5, Jumao-as 4, Nunag 4, Montecillo 2, Delfino 1,

Arellano 79 – Vinoya 16, Hernal 11, Capulong 11, Abiera 10, Ongotan 10, Geronimo 7, Valencia 6, Camay 4, Borromeo 2, Libang 2,