Advertisers
MAGSASAMPA ng kasong ‘sedition’ ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga supporter ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsagawa ng rally habang isinisilbi ang “warrant of arrest” laban sa pastor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City.
Ayon kay Brigadier General Nicolas Torres III, Regional Director PRO11, nagsagawa na sila ng case conference nitong Lunes at natukoy ang mga pagkakakilanan ng mga nasabing personalidad.
Tumangi si Torres na magbigay ng karagdagang detalye at pagtukoy sa mga pangalan ng mga posibleng sampahan ng kaso.
“Ipa-finalize namin at ipa-file ang kaso laban doon sa personalities na identified natin at kasama narin doon ‘yung ‘inciting to sedition’, ‘yung sa ginawa nilang rally on the second day andun ang inciting to sedition at saka yung ‘conspiracy to commit inciting to sedition’, so isasama na natin. May mga lista na kami nung personalities na mahigit 10,” pahayag ni Torre.
Magugunita na isinilbi ng PNP ang ‘warrant of arrest’ laban kay Quiboloy sa compound ng KOJC kungsaan naglunsad ng mga rally ang mga supporter ng pastor upang pigilan ang mga otoridad sa isinasagawang operasyon.
Naunang sinabi ng PNP na ipaghaharap ng kasong ‘obstruction of justice’ sa mga taong tumulong sa pagtatago ni Quiboloy. (Mark Obleada)