Advertisers
IPINAGMALAKI ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas at sa transportasyon ng bansa.
Nitong Miyerkoles, sa isinagawang “Transport and Logistic Forum 2024′, ibinida ni PRA Chairman Atty. Alexander T. Lopez, ang mga reclamation project sa ilalim ng adminsitrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ayon kay Lopez, tinagurian ang PRA bilang “Poverty Reduction Advocates”, para sa kapakanan ng mga Filipino, partikular na ang mga maralita at mga marginalized sector.
Nakatuon ang PRA na tuparin ang pananaw ni Pangulong Marcos sa Bagong Pilipinas, na umunlad ang mga pangangailangn ng Pilipino.
Kabilang sa dalawang proyekto ng PRA ang Pasay reclamation at ang first Monorail System.
Ayon kay Lopez, na asahang magiging bagong tahanan ang Pasay city ng mas maraming mga hotels at commercials establishments.
Sinabi pa ni Chairman Lopez, na sa lungsod din ng Pasay itatayo ang bagong opisina ng PRA at ang sinasabing legacy infra project ng administrasyon Marcos ang International Convention Center na mahigit na doble ang laki sa PICC at SMS convention center.
Pagwawakas ni Atty. Alex, na binahagi niya ang konretong mga hakbang patungo sa pagbuo ng susunod na henerasyon ng transport infrastructure sa Pilipinas.