Advertisers

Advertisers

SEN. ‘TOL’ TOLENTINO NAGLAAN NG P20 MILYON PONDO SA DOST

0 69

Advertisers

SINUSUPORTAHAN ni Senate Majority Floor Leader at Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones Francis “Tol” Tolentino ang ikalawang edisyon ng National Youth Science, Technology, and Innovation Festival na inorganisa ng Department of Science and Technology (DOST) na idinaos ngayong Miyerkules, Setyembre 18, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Tent sa Pasay City.

Sinabi ni Tolentino na kahanga-hanga ang pagmamapalas ng husay, talino at dedikasyon sa larangan ng agham at teknolohiya ng mga kabataang Pilipino na aniya ay makakapagpabago sa ating lipunan at magbibigay ng solusyon sa mga hamon ng makabagong panahon.

Nagpaabot naman ng kanyang taos-pusong pasasalamat si DOST Secretary Renato Solidum, Jr. kay Senator Tolentino matapos maglaan ng P20 milyong pondo ang mambabatas sa ilalim ng Congress Introduce Changes/Adjustments (CICA) na aniya ay malaking tulong sa kanilang adhikaing makatuklas pa ng mga makabagong teknolohiya at magkaloob ng oportunidad sa mga kabataan na madagdagan ang kanilang pagpapahalaga at kamalayan sa Science, Technology at Innovation (STI).



Sa temang “STEM VIBE: Engaging the Youth in Providing Solutions and Opening Opportunities, ang science festival na ito ay naglalayon na pahusayin ang pagpapahalaga at kamalayan ng kabataan sa agham, teknolohiya, engineering,matematika at pagbabago (STI).

Sa naturang festival, ipinamalas din ang mga bagong likha at mga gamit na naimbento ng mga kabataang estudyante, mga proyekto at mga inilahok nila sa iba’t-ibang kompetisyon.



Sasaklawin ng mga aktibidad ngayong taon ang iba’t ibang paksa ng S&T tulad ng teknolohiyang blockchain, komunikasyon sa agham, metrology, teknolohiya sa tela, data analytics, pagkain at nutrisyon, 3D printing, at agham at sining ng mga dahon, bukod sa iba pa.

Ito ay nagsisilbing plataporma upang ipakita ang mga tagumpay ng S&T ng DOST, ang 2024 NYSTIF ay magtatampok din ng mga eksibit ng iba’t ibang ahensya ng Departamento para sa kasiyahan ng mga kabataang Pilipino.



Nauna rito, dumalo si Senator Tolentino sa isang kapihan sa Maynila kung saan ibinahagi niya ang pagnanais na maisulong na umupa o mag-renta ng lamang ng mga barkong pandigma na magbabantay sa mga isla at karagatang sakop ng exclusive economic zone (ECZ) ng Pilipinas.

Malaki aniya ang matitipid ng bansa sa oras na umarkila ng mga barkong pandigma sa halip na bumili, bukod sa magiging mabilis din aniya ang deployment ng mga ito lalu na ngayong umiinit muli ang tensiyon sa mga karagatang inaangkin ng China bunga ng pagdaragdag nila ng kanilang mga barko. (JOJO SADIWA)