Advertisers
Arestado ang mag-asawang tulak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makuhanan ng nasa P34 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bongabong, Oriental Mindoro.
Tinatayang may timbang na limang kilo ng shabu ang nakuha ng mga operatiba mula sa mga suspek na sina Luis Delos Reyes Baes, 45, negosyante; at misis na si Lyn Ylagan Baes, 41, isang OFW at kapwa residente ng Sitio Maije, Brgy. Malitbog, Bongabong, Eastern Mindoro.
Sa ulat, isinagawa ang operasyon 11;00 ng tanghali noong Lunes sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro ikinasa ang buy-bust operation laban sa mag-asawa.
Nakuha sa mga ito ang mga Chinese tea bag na may label na GUANYINWANG at may bigat na limang kilo, 1 unit Gray Toyota Hilux na may plate number na VAB, 2 cellphones, plastic bag at pasaporte.