Advertisers
Ni Archie Liao
SA kauna-unahang pagkakataon, apat na short films ang magbubukas sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival.
Ang Asian premiere na ito ay produkto ng Directors’ Factory Philippines, isang omnibus film project na nagsimula sa Cannes Directors’ Fortnight at ipinalabas sa 77th Cannes Film Festival noong Mayo.
Ang apat na shorts ay ang“Walay Balay,” na idinirehe nina Eve Baswel mula sa Pilipinas at Gogularaajan Rajendran mula Malaysia; “Nightbirds,” na pinamahalaan nina Maria Estela Paiso mula sa Pilipinas at Ashok Vish mula sa India; “Silig,” na kolaborasyon nina Arvin Belarmino (Pilipinas) at Lomorpich Rithy (aka YoKi) ng Cambodia; at “Cold Cut,” na obra nina Don Eblahan ng Pilipinas at Tan Siyou ng Singapore.
Ang Directors’ Factory Philippines ang kauna-unahang programang magaganap sa Southeast Asia mula nang ito ay itatag noong 2013 sa Taiwan.
Bawat taon ay nakikipagsanib-puwersa ang programa sa bagong partner country para sanayin ang walong new-breed filmmakers: apat mula sa partner country at apat mula sa iba pang bansa.
Ang mga napiling filmmakers ay sanib puwersa sa kanilang mga obra para makagawa ng omnibus film project.
“Opening QCinema with Directors’ Factory sets the stage for a festival focused on creative exploration, inviting audiences to gaze upon new perspectives in cinema,” ayon kay Ed Lejano, QCinema Artistic Director.
Ang Directors’ Factory ang first international venture of QCinema at ng Quezon City Film Commission sa ilalim ng QCinema Project Market, sa pakikipagtulungan ng Cannes Directors’ Fortnight.
Ang “Walay Balay” ay kuwento ng paglikas at paghahanap ng tahanan ng mag-ina sa panahon ng giyera, Tampok dito sina Shaina Magdayao at Ruby Ruiz.
Ang “Nightbirds” ay tungkol sa isang maybahay na tinulungan ng isang mahiwagang ibong Tigmamanukan para makawala sa tanikala ng kanyang asawang winawaldas ang kanilang pera sa sabong.