Nasawi ang 58-anyos na dating kapitan ng barangay at sugatan ang misis nito ang ratratin ng naka-kotseng gunman sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala nang nasawi na si dating Barangay Gabon chairman Dexter Doria Jimenez: at sugatan ang asawang si Marites, 61
Sa ulat, sinundo ni Dexter, kasama ang asawang si Marites, ang kaibigan nilang si Marifel Espiritu Hizon sa Barangay San Miguel 9:30 nang umaga.
Habang binabaybay ang nasabing lugar, hinarang ng gunman na sakay ng kotse ang sasakyan ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito.
Dead on the spot si Dexter dahil sa mga tama ng bala sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Isinugod naman ang kaniyang misis sa ospital habang masuwerte namang hindi nasaktan ang kaibigan nilang si Hizon.
Agad nagsagawa ng dragnet operation ang Calasiao police para madakip ang salarin na tumakas matapos ang pamamaril.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaril.