Advertisers

Advertisers

P1.6m shabu at baril nasamsam sa 3 HVI sa Cavite

0 30

Advertisers

Nalambat ng mga operatiba ng Dasmarinas City Component Police Station Drug Enforcement Team ang tatlong mga suspek na High Value Individual na nagbebenta ng iligal na droga at nakuhanan ng nasa halagang P1.6 milyon iligal na droga at isang baril sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operations sa Brgy. Salawag, Dasmarinas City, Cavite nitong Huwebes November 28, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Barok”, “Raymond” at “Jeff” mga residente sa kaparehong lugar.

Ayon sa report ni Cavite Police acting Provincial Director Police Colonel Dwight E. Alegre kay PRO Calabarzon Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, narekober sa mga suspek ang siyam na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may bigat na 240 grams ng shabu na nagkakahalaga P1,632.000.00, isang caliber 45 na baril na loaded ng isang magazine at tatlong piraso ng mga bala, isang sling bag na kulay itim, isang digital weighing scale at ang ginamit na boodle marked money.



Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms in Ammunitions.(Koi Laura)