Advertisers

Advertisers

Political noise wa epek sa ekonomiya – Marcos admin

0 9

Advertisers

IGINIIT ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi makakaapekto ang kasalukuyang isyu sa pulitika sa positibong pananaw para sa ekono-miya ng bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Balisacan na sa kabila ng ingay sa pulitika ay business as usual pa rin ang mga economic managers.

Aniya, ang mahalaga ay matibay at tuloy-tuloy ang mga patakaran at direksyon ng ekonomiya.



Ayon kay Balisacan, nalampasan na ng bansa ang iba’t ibang hamon sa pulitika mula pa noong huling bahagi ng 1990s.

Ipinunto niya na nananatiling matibay ito hanggang ngayon dahil sa matino at matatag na mga patakaran sa ekonomiya.



Binigyang-diin pa ni Balisacan na patuloy na tututukan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtamo ng mga layunin sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) upang patnubayan ang bansa tungo sa kaunlaran at katatagan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">