Advertisers

Advertisers

Inihahanda na nina ACT Teachers Rep. Castro…‘IMPEACH SARA’ TULOY!

Betrayal of public trust, Bribery at Plunder ikakasa

0 25

Advertisers

TIWALA si ACT Teachers Representative France Castro na maihahain nila ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte bago matapos ang taon (2024).

Sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo nitong Biyernes, Nobyembre 29, pangungunahan ng mga miyembro ng House of Representatives ang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Sara base sa kasong ‘betrayal of public trust’, ‘bribery’ at iba pang krimen tulad ng ‘plunder’.

Iginiit ni Castro na dapat sagutin ni VP Sara ang mga katanungan kung paano ginastos ang P612.5 milyong halaga ng confidential at intelligence funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dati niyang pinamunuan.