Advertisers
BULAGTA ang isang murder suspect at kanyang kasamahan nang makipagbarilan sa isang police intelligence operative sa Barangay Ayala, Zamboanga City nitong New Year’s Eve.
Nasulyapan ni Police Master Sergeant Ryan Mariano, na nakatalaga malapit sa Mount Carmel Parish Church, ang wanted at pugante na si Haber Tating na mayroong arrest warrants sa kasong murder.
Nang matunugan nina Tating na sila’y sinunsundan, kaagad nilang pinaputukan si PMSgt. Mariano, dahilan para magkapalitan ng putok.
Nakapag-cover ang pulis sa isang kotse na huminto sa gitna ng kalye. Ang kotse ay dala ng isang tauhan ng Bureau of Correction (BuCor).
Nagtamo si Tating ng matinding tama at namatay sa ospital, habang ang kanyang kasamahan na hindi pinangalanan ay kaagad nasawi sa barilan.
Si PMSgt Mariano ay nagatmo ng sugat sa tiyan, at ligtas na sa kamatayan.