Advertisers

Advertisers

EX-KONSEHAL NG MANILA TIMBOG SA KIDNAPPING

0 130

Advertisers

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating konsehal ng Maynila na may outstanding warrant of arrest sa kasong ‘Kidnapping for ransom’.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang inaresto na si Roderick “Eric” Dayanan Valbuena, na kabilang sa limang akusado sa kidnapping na inihain sa RTC Branch 61, sa Makati City.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI na lalapag si Valbuena sa Pilipinas sa NAIA Terminal sa Pasay mula Las Vegas kaya agad nagpakalat ng mga tauhan mula sa NBI-International Airport Investigation Division (IAID).



Dinala si Valbuena sa NBI-National Capital Region para sa dokumentasyon at agad ding itinurn-over sa kostudiya ng NBI detention facility sa Muntinlupa City.

Naibalik na rin ang kanyang warrant sa korte.



Matagal nang wanted si Valbuena sa kinakaharap na kaso.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">