Advertisers
APAT na miembro ng pamilya ang nasawi sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Alido Heights, Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan, Miyerkoles ng madaling araw.
Sa report na nakarating sa tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nasawi sa sunog ang mag-asawang Philip, 49 anyos; at Maricel Caluag, 49; kabilang ang kanilang mga anak na sina Felice, 18; at Julien, 10; habang nasugatan ang isa pa na nakilalang si alyas Yan,15.
Ayon kay SFO1 Erwin Parungao, 3:41 ng madaling-araw nang masunog ang tahanan ng pamilya Caluag, na idineklarang fire under control 4:13 ng umaga, na umabot lamang sa unang alarma.
Idineklarang fire out ang sunog 4:18 ng umaga.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP sa trahedya.(Thony D. Arcenal)