Advertisers

Advertisers

BONG GO NAGDIWANG NG B’DAY KASAMA MGA BATANG MAY KANSER

0 9

Advertisers

Kaysa magsaya kasama ang mga kaibigan at kakilala, mas pinili ni Senator Christopher “Bong” Go na magdiwang ng kanyang kaarawan sa piling ng mga batang may kanser sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Singkwenta y uno-anyos na ngayong araw, sinabi ni Go na nakasanayan na niyang hindi magselebra ng birthday — isang gawi na natutuhan niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inilalaan na lamang niya ang kanyang oras para makapagsilbi, lalo sa mga batang may sakit.

“Simula bata pa po ako, hindi po talaga ako nagbi-birthday party. Gusto ko po nasa bahay lang at magdasal. Kasi nung panahon ni Pangulong Duterte, hindi talaga siya nagpa-party. Kaya ako rin, nahiya naman po ako. Kung hindi siya nagpa-party, s’yempre, sino ba naman ako para mag-party?” sabi ni Go.

Bilang chairperson ng Senate committee on health at vice chair ng Senate committee on finance simula 2019, patuloy na inuuna ni Go ang health-related programs — para ang para sa kabataan.

Ginagawa na niyang tradisyon na kapag malapit na ang kanyang kaarawan ay dinadalawa niya ang mga batang pasyente sa PCMC, hindi lamang para maghatid ng saya sa kanila, kundi upang personal ding alamin kung ano pa ang maitutulong niya sa ospital at mga pasyente.

Nagsimula ang tradisyon niyang ito, 7 taon na ang nakalilipas, nang una niyang makilala si John Paul Culiao, isang batang may kanser na naging kaibigan niya at inspirasyon.

Ngayon, si John Paul ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa, matapos maka-survive sa sakit at kasama na ni Sen.Go sa patuloy na pagsisilbi sa mga batang may kanser.

“Napakaliit pa n’ya noon. Ngayon pala ay nagpatuli na si John Paul. Kaya salamat at pumayag kang magpatuli.”

“Mas lalong lumaki si John Paul ngayon. At cancer survivor na po siya. At marami rin po silang natutulungan,” sabi ni Go.

“Ang wish ko lang po ngayong araw na ito para sa mga bata — ‘wag po kayong mawawalan ng pag-asa. May Panginoon naman po. Ang hirap magkasakit, lalung lalo na po sa mga magulang na may anak na may karamdaman. Pero katulad ni John Paul, ‘wag po kayong mawawalan ng pag-asa. Habang may Panginoon, magtulungan lang tayo. Hindi n’ya tayo pababayaan,” anang senador.

Pinasalamatan ni Go ang mga taong patuloy na sumusuporta sa ospital at sa mga programa nito, katulad nina Dr. Rafael Fudullig, Senior House Officer ng PCMC; Emily Sanchez, head ng Malasakit Center at Pilita Raga ng Touch of Love Foundation.

“Isa lang po ang pakiusap ko sa lahat ng nandirito sa ospital — huwag pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap. Dapat po meron silang matakbuhan. Ang Malasakit Center, para po ‘yan sa Pilipino. Karapatan n’yo po ‘yan. Pera n’yo po ‘yan,” deklara ni Go.