Advertisers

Advertisers

Mga senador na tiga-gawa ng batas ang siya ring lumalabag sa batas – Calleja…‘OUR SENATOR-LAWMAKERS ARE LAWBREAKERS!’

0 38

Advertisers

ITO ang tahasang sinabi ni Atty. Howard Calleja sa ginawa ng senators/judges partikular si Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa lantarang paglabag sa Saligang batas at ang mismong sariling Senate impeachment rules na nagresulta ng pagka-delay, pagka-antala at paghinto ng paglilitis ukol sa inihaing reklamo laban kay impeached Vice President Sara Duterte sa walang pakundangan nitong paglustay at pagnanakaw ng ilang daang milyong pisong pera ng taongbayan.

“These senators are supposed only to listen to the evidence and decide to convict or acquit, not to make motions which Escudero allowed. That is their only mandate. But they acted instead like the lawyers of Sara which is like a regional trial court judge behaving like the lawyer of the accused,” ani Calleja.

Naniniwala si Calleja na ang naging desisyon ng 18 senators/judges na ibalik sa mababang kapulungan ng kongreso ang impeachment complaint ay patunay na ayaw na ng mga ito na magkaroon ng paglilitis upang maitago sa publiko ang katotohanan at ebidensya laban kay Duterte.



Binigyang-diin ni Calleja na ngayong mayroon nang 18 boto senators/judges si Duterte ay wala na siyang nakikitang dahilan pa upang matakot ang kampo nito na umusad ang paglilitis.

“Talo na ang taongbayan sa dami nila. All they need is 9 votes to acquit. So ituloy na ang trial. Unless they know that the case is so strong the public might wake up and take to the streets and mount another people power,” dagdag ni Calleja.



Tinukoy ni Calleja ang talamak na korupsyon o pagnanakaw sa kaban ng bayan ang pangunahing usapin ng impeachment na kung saan ang mga taong pingakatiwalaan ng taong bayan na siyang mag-iingat a magbibigay proteksyon ng kaban ng bayan ay siya ding nagbibigay ng proteksyon laban sa akusado.

“When people in power mock our laws and the constitution for unpatriotic and personal goals, our democracy, our republic face an existential threat. It is time for the people to wake up once more,” giit ni Calleja.
Ipinunto ni Calleja na nagsimula ang paglabag sa konstitusyon ng impeachment court ay nagsimula pa noong Pebrero 5 ng taong kasalukuyan ng isinumite ng mababang kapulungan ng kongreso sa senado ang impeachment complaint at hindi agad ito binigyang-pansin ng senado.



Binigyang-linaw ni Calleja na imbes na sundin ang itinatadhana ng batas na “forthwith” o agaran ay mas pinili pa ni Escudero na i-adjourned ang senado sa kabila na dapat ay Pebrero 7 ng taong kasalukuyan pa dapat.

Ipinunto ni Calleja na simula noon hanggang sa kasalukuyan, nasa mahigit apat na buwan nang iba’t iba at napakaraming dahilan o palusot ang ibinibigay ni Escudero kung bakit nauudlot ang paglilitis na kung saan ay maliwanag na wala naman sa Saligang Batas.