Advertisers
(Ika-2 bahagi ng serye)
MALAKAS ang panawagan para sa malawakang balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) partikular sa Region 4A (CALABARZON), kasunod ng serye ng mga sibakan sa pwesto na ipinatupad ni PNP Chief, General Nicolas Torre 111.
Ayon sa grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), dapat nang sibakin ang mga provincial director sa CALABARZON dahil sa kapabayaan sa tungkulin, pagkunsinti sa mga iligal na aktibidad na mitsa ng ‘di masawatang operasyon ng iba’t ibang uri ng vices, na karamihan ay prente ng bentahan ng mga iligal na droga.
Iniulat din ng MKKB na muling nabuhay at lalong sumigla ang oil at petroleum smuggling operations na nadiskubre may ilang buwan na ang nakaraan sa bayan ng San Juan, Batangas.
Ang mga kontrabandistang dati ay pinangungunahan ng isang alyas “Dondon Alahas” ay iniulat na pinamumunuan na ng isang police colonel kasabwat ang ilang lokal na pulitiko na sangkot din sa illegal drugs at gambling operations sa Batangas.
Nag-o-operate din ang paihi/buriki ng krudo, gasolina, gas at pasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa compound ng beach resort sakop ni Pinamukan Barangay Chairman Rufo Caraig, pagsisiwalat ng MKKB.
Talamak din ang mga ilegal na pasugalan na prente ng bentahan ng shabu tulad ng pergalan (peryahan na pulos sugalan) at mga sakla den kabilang na ang nasa Brgy. Catandaan ni Jemwel sa hurisdiksyon ni Brgy. Chairman Mario Bengcang; Brgy. Reparo na ino-operate ni Jolas sa nasasakupan ni Chairman Mellet Caraig at sa mga barangay ng Bilaran at Lumbangan na pinapatakbo ng isang alyas Kon Unan.
Isang alyas Sgt. Ilaw at Willy Bokbok ang itinuturong “patong” o protektor ng mga naturang sakla operator. Sila rin ang nagpapakilalang “engkargado” o tong kolektor ng ilang police at local government officials.
Nanatili namang walang aksyon laban sa mga naturang sindikato sa CALABARZON si CIDG Region 4A Field Unit Chief, Colonel Giovany Emerick Sibalo.
Naniniwala ang MKKB na ito ang ‘di masugpu-sugpong kailegalan ay resulta ng maluwag na pagbabantay at posibleng sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP, iba pang law enforcing official at lokal na opisyales ng pamahalaan.
Ayon sa MKKB, hindi dapat mag-atubiling ipagpatuloy ni Gen. Torre III ang malawakang reporma sa kapulisan upang “mapanatiling malinis at marangal ang kanilang hanay” alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Gen. Torre III na itaguyod ang naunsyaming internal cleansing sa pulisya. May Karugtong… (CRIS A. IBON)