Usec. Castro kay VP Sara: ‘MAHIRAP TURUAN ANG WALANG BALAK UMALAM’
Utang ng Pinas dumoble sa termino ni ex-Pres. Duterte
Advertisers
HAYAGANG sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na si Vice President Sara Duterte ay “walang alam” sa takbo ng gobyerno.
Sa press conference sa Malacañang nitong Lunes, Hunyo 23, sinagot ni Castro ang pagkuwestiyon ni Duterte sa kabuuang P16 trilyong halaga ng utang ng Pilipinas na, aniya, hindi parin nakikita sa mga proyekto sa bansa.
Ayon kay Castro, ang P16 trilyong tinutukoy ng Vice President ay ang kabuuang utang ng gobyerno na nagsimula sa mga nagdaang adminis-trasyon partikular sa gobyerno ng kanyang ama (ex-President Rody Duterte).
“Hindi ba niya po nakikita ang dulot na naibibigay, tulong ng Bukas Centers? Ang paglaki ng PhilHealth coverage? Ang murang bigas? Ang ‘3+1’ promo ng LRT, MRT? Ang fuel subsidies na ibibigay? At marami pang iba,” diin ni Castro.
Matatandaan na lumobo ng higit doble ang utang ng Pilipinas noong termino ni ex-President Duterte kungsaan mula sa utang ng gobyerno ni late Pres. Noynoy Aquino na P5.95 trilyon (2010-2016) ay naging mahigit P13 trilyon (2016-2022).