Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MALAKI ang potensyal na sumikat nang husto ang mga newbie male singers na sina Brence Chavez, Nico Crisostomo at Kyle Daniell na nais magmarka sa music industry .
Sina Nico, Kyle at Brence ay nasa pangangalaga ng Roly Halagao Training, Production, and Casting Studio ni Roly na siya ring manager ng singing group na Five Fingers.
May kani-kanyang single na ang tatlong singers na kailan lamang ay inilunsad ng ABS-CBN Star Music.
Ang “Gabay” ang bagong awit ng vocalist/songwriter mula sa Indang, Cavite na si Brence.
Pitong taong gulang pa lamang siya noong magsimula sa kanyang pagkanta, na lalong nag-umigting sa pagsali niya sa mga choirs at choral groups sa edad na labing-isa.
Sa edad na 20, naging main vocalist si Brence ng YFC Cavite Provincial Band.
Ngayon sa edad na 25, parte na si Brence ng ABS-CBN Star Music, at handa na siyang ibahagi ang kanyang mga original melodies at mapusong boses sa mundo.
May tangkad na 6 feet, graduate si Brence ng kursong B.S. Development Management sa Cavite State University (Main Campus).
Ang mga uri ng kanta na hilig ni Brence ay R&B at Soul. Hinahangaan niya sina Michael Pangilinan, KZ Tandingan, at Gian Bernardino.
Paboritong kanta niya ang “Nag-iisang Muli” ng Cup of Joe.
Isa raw siyang family and career-oriented na tao. “Always find balance in everything you do,” saad ni Brence, na nangangarap maging isang matagumpay na singer balang-araw.
Bagong single ng 24-year old na si Nico ang “Dahan Dahan”. Isang hospitality management graduate mula sa National University Manila, natagpuan ni Nico ang kanyang passion sa pagkanta noong panahon ng pandemya.
Mula sa Silang, Cavite, nadebelop nang husto ang vocal skills ni Nico sa pamamagitan ng live streaming. Inspirasyon ni Nico ang mga foreign artists tulad nina Justin Bieber, Bruno Mars, Ed Sheeran at Shawn Mendes.
Indie-pop at pop-rock ang genre ni Nico at ang kantang “In The Stars” ni Benson Boone ang paborito niyang awitin sa ngayon.
“While my audition for Idol Philippines was unsuccessful, I remain dedicated to my musical pursuits. I am continuously striving to hone my craft and share my unique voice with the world.”
Naniniwala si Nico na, “Always give it your best, keep fighting, and you’ll get there for sure.”
Ang “Hindi Minahal” naman ang bagong single ni Kyle.
Isang makisig na singer-songwriter mula sa Bulacan, hinahangaan siya ng mga listeners dahil sa kanyang soulful pop-ballads na humahaplos sa puso ng mga nakikinig sa kanya.