Advertisers

Advertisers

JOHN AYAW KALABTIM SI HEART DAHIL MAARTE

0 17

Advertisers

Ni Beth Gelena

BINALIKAN ni John Prats ang love team nila ni Heart Evangelista noon.

Ayon sa aktor/direktor, hindi niya agad nagustuhan si Heart dahil sa pagiging maarte nito. Pero naging matagumpay pa rin ang kanilang loveteam dahil sa maraming fans na nakasuporta sa kanila.

Hanggang nanatili ang kanilang pagkakaibigan, katunayan isa si Heart sa sinuportahan ang panliligaw ni John kay Isabel Oli.

Nagbalik-tanaw ang aktor sa kanyang showbiz journey at muling ibinahagi ang ilang hindi malilimutang karanasan—kasama na rito ang pagiging bahagi ng sikat na love team noon nila ni Heart.

Sa panayam sa YouTube vlog ni Luis Manzano, ikinuwento ng aktor at direktor ang mga nangyari sa likod ng tambalan nila ni Heart, na umusbong sa youth-oriented show na G-mik.

Ayon kay John, hindi siya agad pabor na mapasama sa isang love team dahil gusto niyang mag-enjoy lang sa pag-arte.

Sa G-mik, wala pa siyang ka-love team at hindi niya ito pinoproblema. Ngunit kalaunan ay sinabi raw sa kanya ng pamunuan na kailangan niyang magkaroon ng ka-partner sa screen.

Ilang aktres muna ang ipinareha sa kanya bago nahanap ang “perfect match” at yun nga si Heart.

Inamin ni John na nagulat siya nang si Heart ang italaga sa kanya, lalo na’t dati raw ay naiirita siya rito sa pagiging sobrang maarte pagdating sa makeup at gamit.

Magkaibang-magkaiba raw ang kanilang personalidad, kaya hindi niya agad ito nagustuhan. Sa kabila ng kawalan ng atraksiyon sa umpisa, naging matagumpay pa rin ang kanilang tambalan dahil sa init ng pagtanggap ng mga manonood.

Dahil dito, lumalim ang kanilang tambalan at nauwi pa sa isang tunay na relasyon na tumagal ng halos dalawang taon.

Nang maghiwalay sila bilang on-screen at real-life couple, inamin ni John na dumaan siya sa ilang hamon sa kanyang karera.

Ngunit hindi nagbago ang kanilang pagkakaibigan, at nanatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa. Ibinahagi rin ni John ang nakatutuwang pagkakataon na nagtagpo silang muli ni Heart habang nililigawan niya na ang kanyang misis na ngayon na si Isabel.

Hindi raw niya inaasahan na co-star pala ni Isabel si Heart sa proyektong iyon. Laking gulat niya nang makita si Heart sa set, ngunit sa halip na ilag o awkward na sitwasyon, sinuportahan pa siya ng dating nobya sa panliligaw kay Isabel.

And the rest is history na.

***
PAGKIKITA NINA JANINE AT ANAK NI JERICHO, VIRAL

NAG-viral lang kamakailan ang pagkikita nina Janine Gutierrez at ang anak ni Jericho Rosales, boyfriend ng aktres sa isang event.

Sa TikTok video, makikitang binati ng dalawa ang isa’t isa sa isang event.

Bukod sa candid at casual nilang pag-uusap, nagyakapan pa nga ang dalawa.

Marami namang EchoNine fans ang natuwa sa interaction ng aktres at Santino (anak ni Echo).

Sa TikTok video na ibinahagi ng user na si @heyadamg, makikitang bumati at nagyakapan sina Janine at Santino bago sila nag-usap nang casual at magaan.

Ang nakasulat sa caption, “Janine Gutierrez bumping into her BF’s son, Santino, here in Marry Me At Marriott.” Maraming netizens ang natuwa sa pagkikita nina Janine at Santino, lalo na’t makikitang komportable ang dalawa sa isa’t isa.

Sa comment section, bumuhos ang papuri at kilig mula sa mga netizens.
“Ang sweet naman, nakakatuwa makita.”
“She looks so much like her mom here, grabe!” “Aww, hindi halatang 35 na si Janine when with Santino ha!”
“Super gwapo talaga ng anak ni Echo! Manang mana sa tatay!”
“Glad to see na they’re getting along well, hehe, God Bless EchoNine!”
Si Santino ay anak ni Jericho sa ex-partner niya na si Kai Palomares.

***

ANG daming negative reaksyon na nagkomento hinggil umano sa holding hands nina Bea Alonzo at Vincent Co.

Sa bawat photos daw ng dalawa ay lagi silang magkahawak-kamay.

Muling naispatan ang BeaVico sa event ng Puregold and an event with Vincent’s family.

Sa comment section ng Reddit, many netizens expressed negative reactions to Vincent. May akusasyon silang ang businessman is being a bad person and some even claimed that he mistreated his employees.

Dahil dito ay winarningan ng netizens ang aktres na stay away from Vincent because they believe that the businessman is a “red flag.”

Narito ang ilang bad comments hinggil sa CEO ng Puregold via Reddit.
“Sana last na deserve naman na siguro ni Bea mapakasalan”
“I think may nag spill na masama ugali niyan lalo na sa empleyado. Meron ata na pinapag boxing niya mga employer”
“May pa immunity ang chikaph kapag alta dami comments na masama talaga ugali ni guy pero dedma ang madla kasi mapera”
“Not sure if ganun din ba yung trato kay DMCI dati? Ngayon parang super villain na”
“Hayz kung totoo man ito sana nagtino na. Maba bash na naman si Bea kung hiniwalayan niya kasi paiba-iba raw ng jowa. Mapapahamak naman siya kung gusto pa rin ang utak at hindi niya hiniwalayan. Hope talaga na hindi ito mala-YB o VC.”
Sana naman hindi totoo ang mga binibintang ng netizens kay Vincent.