Advertisers
NA booked ng Cignal ang first quarterfinals ticket sa 2025 PVL on Tour matapos walisin ang ZUS Coffee, 25-22, 25-17, 21-25, 25-16, Linggo sa Passi City, Iloilo.
Nagtala si Erika Santos ng bagong career-high ng 30 points, naging pang-11th lokal member ng PVL 30-point club simula naging pro ang liga noong 2021.
Siya rin ang naging unang HD Spiker sa kasaysayan ng liga na umiskor ng 30-piece sa PVL game.
“Good thing na na-acknowledge namin yung nangyari last night. Na-acknowledge yung mga pagkakamali, yung mga lapses, areas of corrections,” wika ni Santos.
Ishie Lalongisip umiskor ng 15-point,13-reception double-double, at Jackie Acuna nagdagdag ng 11.
Tin Tiamzon may seven points at 10 receptions.
Ang HD Spikers 4-1 (win-loss) record) sa pagtapos ng pool play ay sapat para makamit ang isa sa apat na outright playoff seats sa bawat top two teams sa parehong pools.
Nakabalik ang Cignal sa playoff round ng PVL tournament matapos mabigong makapasok sa All-Filipino Conference play-ins nakaraang taon, nagtapos sa ninth-place finish.
Nabigong maduplika ng ZUS Coffee ang breakthrough win laban sa Creamline Linggo, nalasap ang kanilang pangalawang talo sa preseason tournament sa kanilang unang laban na hindi umabot sa five sets.
Chinnie Arroyo umiskor ng 20 attack points para sa Thunderbelles.
Chai Troncoso nagtala ng 9 points habang ang newcomer Fiola Ceballos ay kinapos ng two points para sa double-double na eight points at 14 receptions.
ZUS Coffee ay may one last pool play laban sa Chery Tiggo sa Candon City sa Hulyo 29 at ang playoff-bound Cignal ay magpapahinga habang hinihintay ang kanilang makakalaban sa quarterf.