Advertisers

Advertisers

Lacson may iba pang forum para sa ebidensya sa VP Duterte trial

0 12

Advertisers

NANINIWALA si Senador Panfilo “Ping” M. Lacson na may iba pang forum para maaaring talakayin ang “ebidensya” sakaling hindi matuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema.

Ayon kay Lacson, isang forum kung saan matatalakay ang paggamit ng confidential at intelligence funds (CIF) ay ang budget deliberation ng ahensya tulad ng Office of the Vice President at Department of Education, kung saang aktibo siyang lalahok.

“Maraming ibang fora na pwedeng kung sakaling gustong malaman ng publiko kung anong nangyari sa paggamit ng CIF, sa budget deliberation pa lang, ako mismo tatanungin ko. Halimbawa pag na-tackle ang budget ng DepEd o OVP, pwedeng tanungin yan,” paliwanag ni Lacson sa panayam sa DZBB radio.



Ani Lacson, na nakilala bilang tagabantay ng kaban ng bayan, sinasama niya sa kanyang pagsusuri sa budget ang mga budget hindi lang nang susunod na taon kundi ng mga nakaraang taon, para malaman kung paano ginagamit ang pondo ng bayan.

Isa pang alternatibo, ani Lacson, ay ang paghain ng resolusyon ng Senado o Kamara para magkaroon ng “inquiry in aid of legislation” sa paggamit ng CIF ng ahensya na walang kinalaman sa pagpapatupad ng batas.



Para kay Lacson, ang intelligence funds ay dapat lang gamitin ng mga ahensyang may mandatong gumawa ng intelligence work dahil sila lang ang may pagsasanay na gamitin ito.

Muli rin iginiit ni Lacson na ang rule of law ay dapat ikonsidera ng Senado sa pagdesisyon kung itutuloy ang impeachment trial ng Bise Presidente ngayong taon. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">