Advertisers
NASAWI ang dalawang babaeng senior high school students nang mag-crash ang kanilang motorsiklo sa loob ng isang bahay sa Barangay Balintawak,Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Biyernes, August 1, 2025.
Sa ulat nitong Sabado ng Pagadian City Police Office, sakay ng isang motorsiklo sina Tiffany, 16 anyos; at Jonalyn, 17; at isa pa nilang kaklase na si Shane, 17, nang bigla silang lumihis mula sa highway, nagawi sa loob ng bahay ni Jona Saurnero.
Mga estudyante ang mga biktima ng Zamboanga del Sur National High School sa Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur na sakop ng Administrative Region 9.
Ayon sa mga kawani ng Pagadian City Disaster Risk Reduction and Management Office, dumiretso sa bukas na pinto ang motorsiklo ng mga biktima at sa loob ng bahay nag-crash, nagsanhi ng aga-rang pagkamatay nila Tiffany at Jonalyn.
Mula sa mataas na lugar sa Barangay Palpalan ang mga biktima nang mawalan diumano ng preno ang kanilang sinasakyang motorsiklo kaya ito bumulusok pababa at nagawi sa pinto ng bahay at nag-crash sa loob nito.
Pauwi na ang mga biktima mula sa ‘Buwan ng Wika’ program sa kanilang paaralan nang maganap ang aksidente.