Advertisers
KUSANG nagtungo sa pulisya ang lalaking nakuhanang naka-brief habang sumasayaw sa ibabaw ng tricycle sa Iloilo City, at nagpaliwanag tungkol sa kani-yang ginawa.
Sa ulat, sinabi ng pulisya na natukoy na ang pagkaka-kilanlan ng lalaki at ng driver. Isa sa tatlo nilang kasama menor de edad.
Matapos mabalitaang pinaghahanap sila ng mga awtoridad, kusang pumunta sa estasyon ang mga sangkot.
Ayon sa lalaking nagsayaw, ginaya lamang niya ang isang vlog.
Gayunman, hindi nagustuhan ng Land Transportation Office (LTO) Region 6 ang kanilang inasal, at nagbabala na posibleng hindi na payagang magka-lisensya ang tricycle driver.
Nakuhanan ng video ang lalaki na sumasayaw nang nakahubad at naka-brief lang madaling araw ng Hulyo 31 sa Diversion Road sa bahagi ng Mandurriao.