Advertisers

Advertisers

BIR sisilipin ang kayamanan ni Atong Ang

0 28

Advertisers

NAKAHANDA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang mga negosyo ng gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang kung nagbabayad ito ng kaukulang buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumaguil Jr, lahat naman ng mga negosyanteng may kinalaman sa online gambling ay kanilang tinitignan lalo na kung may mga impormasyon silang natatanggap patungkol sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Aniya, kanilang susuriin kung hindi ‘tax evader’ si Ang, na umano’y naging bilyonaryo sa online sabong noong termino ni dating Pangulo Rody Duterte.



Dagdag pa ni Lumaguil, kanilang tinitignan ang lahat ng sangkot dahil nais lamang aniya ng ahensya na siguradong nagbabayad lahat ng buwis.(Jocelyn Domenden

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">