Advertisers
Arestado ang 27-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ang barbero na gumupit sa kanya sa Quezon City.
Kinilala ni P/Lt. Col. Jefry Gamboa, hepe ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek na si alyas “Eljimm”, 27, at residente ng Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.
Batay sa imbestigasyon, 12:09 ng tanghali noong Agosto 4, nagpagupit ang suspek sa 43-anyos na barbero. sa barbershop sa Diego Silang St., Brgy. Pasong Tamo.
Makalipas ang 30 minuto, bumalik muli ang costumer na armado ng patalim at pinagsasaksak ang barbero bago tumakas.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima at isinugod sa Quezon City General Hospital para magamot.
Nang matanggap naman ng PS14 ang tawag sa 911 tungkol sa insidente, agad silang nagsagawa ng follow-up at nadakip ang insidente.
Nabatid ng mga tawag, mismong ang biktima ang tumawag sa emergency na umamin na sinusubukan niyang malaman ang 911 upang magtanong tungkol sa nangyaring insidente. Batay sa salaysay ng nadakip na suspek, uminit ang ulo niya sa barbero dahil hindi raw niya sinunod ang sinabi niyang estilo ng haircut na gusto niya.
Bagama’t humingi na siya ng tawad, desidido ang biktima na itutuloy pa rin niya ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
Inihahanda na ang kasong attempted murder laban sa salarin.