Advertisers

Advertisers

Negosyante sa IBP road, nanawagan kay Pangulong Marcos na itigil ang demolisyon

0 21

Advertisers

Nanawagan ang Samahan ng Mamamayang Negosyante sa IBP Road kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na itigil ang nakatakdang demolisyon ng kanilang mga puwesto at magkaroon ng due process.

Ayon sa grupo, nasa 5 dekada na umano silang nagnenegosyo sa naturang lugar at ang mga kabahayan ini-award na sa mga residente kung kaya’t laking gulat nila ng mabatid mula sa Market Development Administration Department – Quezon City Government na muling magkakaroon ng setback ng walang proper notice at nagbigay lamang ng verbal order sa kanilang mga maliliit na negosyante.

Iginiit ng samahan na kwalipikado i-award sa kanila sa ilalim ng Republic Act 9207 ang lupa dahil matagal na silang naninirahan at nagnenegosyo sa lugar.



Kinukuwestiyon din nila ang pagbibigay ng MDAD – Quezon City Government ng five day notice para sa demolisyon at kawalan ng court order.

Anila, mayroon ng setback ang lugar noon pang isinagawa ang road widening at hindi makatarungang pag-interesan muli ang lupa at magkaroon muli ng panibagong 5 meters setback.



Sa huli, nanawagan ang samahan kay Pangulong Marcos na personal na aksyunan ang isyu at pigilan ang QC Government sa pagpapatupad ng demolisyon ng walang sapat na due process at tuluyan i-award na sa kanila ang pinag- iinteresang lupa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">